2026 Gawad Lingkod Bayani Regional Qualifiers Awarding Ceremony
Ikinararangal ng DOST-PAGASA ang mga kawani nitong kinilala bilang Regional Qualifiers sa 2026 Gawad Lingkod Bayani Regional Qualifiers Awarding Ceremony ng Civil Service Commission - National Capital Region.
Kabilang dito si Ms. Ana Liza S. Solis, Chief ng Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) ng Climatology and Agrometeorology Division (CAD), bilang Gawad Lingkod Bayan ng Pangulo Regional Qualifier (Individual Category) para sa kanyang ambag sa pagbibigay ng napapanahong impormasyon ukol sa El Niño/La Niña at klima ng bansa.
Regional Qualifier din sa Gawad Pagasa Award ang PAGASA SpillDrift Development Team ng Weather Division na binubuo nina Engr. Christopher Perez, Mr. Robb Gile, at Mr. John Carlo Sugui para sa kanilang pagbuo ng SpillDrift, ang kauna-unahang operational oil spill trajectory forecasting system ng pamahalaan, na syang ginamit noong MT Terranova oil spill incident noong 2024.
Ipinapaabot ng DOST-PAGASA ang pagbati sa mga lingkod-bayang ito na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ahensya sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon at mahusay na serbisyo publiko.
#OneDOST4U
#SolutionsAndOpportunitiesForAll